^

Bansa

Panibagong mga armas nasamsam sa mga Ampatuan

-

MANILA, Philippines - Sari-saring mga armas ang panibagong nasam­sam ng mga intelligence operatives ng militar ma­tapos salakayin ang isa pang hinihinalang arms cache ng maimplu­wen­syang angkan ng mga Ampatuan sa isinagawang raid sa Brgy. Bagong, Shariff Aguak, Maguin­danao kamakalawa.

Kabilang sa mga na­kuha ay tatlong M60 ma­chi­neguns, isang K3 Mi­nimi, 12 M14 rifles, 15 M16 rifles, 3 M16 rifles na bu­rado ang serial numbers, dalawang M1 carbine at isang cal. 30.

Ang operasyon ay ka­ugnay ng pinaigting na paglalansag ng mga Private­ Armed Groups (PAGS) ng mga political warlords sa Maguindanao at pagha­hanap sa mga armas na po­sibleng gina­mit sa ma­du­gong masaker ng 57 katao noong Nob­yembre 23.

Samantala, bandang alas-2 naman ng hapon kamakalawa ay nagsuren­der ng kanilang mga armas ang mga Civilian Volunteers Organization (CVO) at CAFGUs sa Guindu­lungan, Maguindanao.

Kabilang sa isinuko ng mga ito ay limang M14 rifles, tat­long M16 rifles, dala­wang carbine rifles at limang garand rifles.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa mga loya­listang CVO’s ng angkan ng mga Ampatuan na isi­na­sangkot sa mala­gim na masaker. (Joy Cantos)

vuukle comment

AMPATUAN

ARMED GROUPS

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

JOY CANTOS

KABILANG

MAGUINDANAO

RIFLES

SHARIFF AGUAK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with