^

Bansa

Ampatuan, Mangudadatu nagtitigan

-

MANILA, Philippines - Matapos ang imbesti­ gasyon, una namang lu­mabas si Ampatuan ha­bang naiwan si Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu sa loob ng DOJ.

Tila kinukutya naman ni Mangudadatu ang itsu­ra ni Ampatuan na puno ng posas sa kamay at paa.

“Para kang aso, kaya lang mas okey pa ang K-9 ko, mas maganda ang kadena,” ani Manguda­datu.

Nagkatitigan at nginisi­ han pa ni Ampatuan Jr. si Mangudadatu at nang ma­karating sa labas ng DOJ building, napapangiwi si Ampatuan matapos na muling kinuyog ng media habang pasakay ito ng kanyang bullet proof na sasakyan na maghahatid sa kanya pabalik sa kan­yang kulungan sa National Bureau of Investigation.

Gigil na gigil pa rin si Mangudadatu kay Ampa­tuan Jr., bagama’t iniwa­san nito na magkaroon ng tensiyon.

“Alam ninyo tama lang ang ginawa ng mga tao na gusto siyang sampalin, batukan (Ampatuan jr.), siya naman po ang guma­wa ng krimen,” ayon kay Mangudadatu.

Bagama’t pangiti-ngiti pa at parang walang nang­yari si Ampatuan Jr., sinabi ni Mangudadatu na hindi nakikita sa mukha nito ang kanyang tunay na nara­ramdaman kundi na­katago ito sa kanyang puso.

vuukle comment

ALAM

AMPA

AMPATUAN

AMPATUAN JR.

BAGAMA

BULUAN VICE MAYOR ESMAEL

GIGIL

MANGUDADATU

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with