^

Bansa

Desisyon ng Korte Suprema iaapela ng Comelec

-

MANILA, Philippines - Iaapela ng Commission on Elections ang naging desisyon ng Korte Supre­ ma hinggil sa extension ng voters registration  sa bansa.

Ayon kay Comelec legal chief Ferdinand Rafa­nan wala na umano silang nakikitang dahilan upang buksan ang pagpapa­rehis­tro dahil naabot na ng ko­misyon ang kanilang target na bilang ng mga botante para sa May 2010 elections.

Sinabi ni Rafanan na umaabot na sa 50 milyon Filipino ang nakarehistro na lagpas sa target number ng komisyon na 47 milyon.

Iginiit ni Rafanan na ang SC decision na i-extend ang  voter‘s registration sa Enero 9, 2010 ay posib­leng  makaapekto sa imple­mentasyon ng automation.

Iginiit ni Rafanan na ang SC ruling ay magi­ging daan upang  ibasura ang mga inihanda ng Comelec na mga official list ng registered voters kabilang na rin ang programming ng mga voters’ names na inilagay sa voting machines.

Sakali naman uma­nong mabalewala ang kanilang apela may tentative time­line naman ang komisyon para sa extended voters’ registration.

Posibleng ito ay sa December 21, 22, 23, 28 at 29 at matapos ang New Year’s break, muling bubuksan ang Comelec offices sa Enero 4. (Doris Franche)

AYON

COMELEC

DORIS FRANCHE

ENERO

FERDINAND RAFA

IGINIIT

KORTE SUPRE

NEW YEAR

RAFANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with