^

Bansa

Mga hukom ng Quezon City court pinagsabihan ni Justice Puno

-

MANILA, Philippines - Pinulong kahapon ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ang mga hukom ng Quezon City Regional Trial Court para bigyan ng moral support at hindi na muling tatanggap ng anumang dahilan para bitawan ang kasong multiple murder ni Datu Unsay Ma­ yor Andal Ampatuan Jr.

Aniya, hindi dapat kata­kutan ang kasong kinaka­harap ng mga Ampatuan at kinakailangang itrato lang ito bilang isang ordinaryong kaso.

Ang pahayag at pag­pupulong ni Puno sa mga hukom ng QC-RTC ay gi­nawa matapos na magbitiw si Judge Luisito Cortez sa pagdinig sa 25 counts ng kasong murder ni Ampatuan kaugnay sa umano’y pag­patay sa 57 katao sa Ma­guindanao at ikinatuwiran nitong siya ay may prob­lema sa kalusugan at ma­dami ng hinahawakang kaso, bukod pa ang pani­niyak sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Iginiit pa ni Cortez na maraming ambush na ang kan­yang naranasan dahil sa mga kasong hinahawakan at ilan dito ang nabigong pananambang sa kanya sa Plaridel, Bulacan. Naka­tang­gap din aniya siya ng pagbabanta sa kanyang buhay sa kaso ni Abra Congressman Luis “Chito” Bersamin. Handa rin hara­pin ni Cortez ang anumang parusang maaaring ibigay sa kanya ng KS sa gina­wang pagbibitiw sa natu­rang kaso.

Ang QC-RTC ay may 23-hukom at open-raffle ang gagawin sa naturang kaso ngayong araw ganap na alas-2 ng hapon. Tiniyak din ni Puno na magkakaroon ng kumpletong transparency sa pagdinig ng nasabing kaso. Nangako din ang punong mahistrado na bi­bigyan ng 24-oras na se­guridad ang hukom na hahawak sa kaso ni Am­patuan Jr.

Kasabay nito, pinayu­han ni Justice Secretary Agnes Devanadera si Cortez na maghanap na lang ng ibang trabaho. (Angie dela Cruz/Doris Franche)

ABRA CONGRESSMAN LUIS

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN JR.

DATU UNSAY MA

DORIS FRANCHE

JUDGE LUISITO CORTEZ

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

KASO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with