Villar tutol sa pagpatag ng bundok sa Caticlan airport
MANILA, Philippines - Tinutulan ni Nacionalista Party presidential bet Sen Manny Villar ang planong patagin ang bundok sa Caticlan airport sa Aklan na maaaring sumira sa ecosystem ng Boracay.
Aniya, dapat pigilan ng gobyerno ang plano ng developer ng naturang airport dahil ito ay labag din sa kons titusyon dahil masisira ang kapaligiran at manganganib ang interes ng karamihan.
Iginiit ni Villar na di dapat isangkalan ng mga taong responsable sa proyekto ang pagbibigay ng konbinyente sa mga turistang magtutungo sa Boracay kaya dapat na patagin ang bundok at lawakan ang runway dito.
Una ng humingi ng permiso ang mga inhinyero ng Caticlan International Airport Development Corp. (CIADC) sa Aklan provincial government para maalis ang bundok dito para mapalawak at mapaganda ang Caticlan Airport na pinondohan ng P2.5 billion. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending