NPC todo-suporta kay Loren sa 2010!
MANILA, Philippines - Ibayong pasasalamat ang ipinahayag ni Senator Loren Legarda sa todo-suportang iginawad ng kanyang partidong Nationalist Peoples’ Coalition (NPC) sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente sa 2010 elections.
Si Legarda, sampu ng iba pang opisyal ng NPC sa pangunguna nina Reps. Jack Duavit, Frisco San Juan at Rex Gatchalian ay nagpulong kagabi sa New Manila, Quezon City para sa napipintong kampanya ng senador.
Ayon sa mga NPC officials, napapanahon na upang ang Pilipinas ay magkaroon ng isang bise presidente na makatao, makabayan at makakalikasan, isang kandidato na kalaban ng korapsyon at may magandang track record bilang mambabatas.
Si Loren ay naghain ng isang six-point agenda para iahon sa kahirapan ang maraming Pilipino, proteksyunan ang mga overseas Filipino worker (OFW), magsulong ng malinis na pamamahala, pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran, pagbabalik sa kapayapaan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending