Namatay sa HIV-AIDS, umakyat na sa 629

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 629 katao ang naitalang nag-posi-tibo sa sakit na Human Immunodeficiency Virus/  Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS)  sa bansa mula Enero hanggang Oktubre ng taong   2009 matapos silang makapagtala ng panibagong 80 kaso noong buwan ng Oktubre.

Batay sa ulat na ipinalabas ng DOH-National Epi-demiology Center, ang 80 bagong HIV Ab sero positive individual na nakumpirma ng STD/AIDS Cooperative Central Laboratory nitong Oktubre, 2009 ay mas mataas ng 36 na porsiyento kumpara sa naitalang 59 cases lamang noong Oktubre 2008.

Walumpu’t apat na porsiyento (67) ng mga bagong kaso ay pawang mga lalaki na edad 19 hanggang 56 anyos lamang. Mahigit sa kalahati o 55 porsiyento (43) ng kaso ang naitala sa National Capital Region at lahat ng kaso ay nakuha sa pakikipagtalik.

Malaking bilang pa rin ng mga bagong kaso ay mga OFWs. Apat sa 80 bagong kaso ay pawang full-blown AIDS na nang maiulat at lahat sila ay mga lalaki. Wala namang naiulat na namatay sa sakit sa nasabing buwan.

Mula taong 1984, umaabot na sa 4,218 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at 318 na sa mga ito ang namamatay. (Doris Franche)

Show comments