Reporma sa edukasyon prayoridad ni Gibo
MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa gobyerno na gawing prayoridad ang reporma sa edukasyon upang lalong mapabuti ang kalagayan nito sa mga pampublikong paaralan katulad sa pribadong sektor.
Ginawa ni dating Defense Secretary Teodoro ang panawagan matapos siyang gawaran ng honoris causa (doctorate in public administration) ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.
“Marami tayong kuwalipikadong empleyado para ilagay sa mga pampublikong institusyon. Nasasagkaan ang kanilang pagsisikap na pagbutihin ang trabaho dahil sa kakulangan ng kinakailangang imprastruktura at pansuportang mekanismo,” sabi pa ni Teodoro.
Pabor din siyang bigyan ng karagdagang pagsasanay ang mga civil servants upang magkaroon sila ng mas mahusay na kakayahan sa paghawak ng posisyon sa pamahalaan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending

















