GMA nasa St. Lukes
MANILA, Philippines - Sumailalim kagabi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang regular check-up sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, minabuti ng Palasyo na ianunsyo ang physical check-up ng Pangulo upang hindi pagdudahan ang kalusugan ng Chief Executive.
Anya, ang physical check-up na ito ni Mrs. Arroyo ay bilang paghahanda sa pagdalo ng Pangulo sa Climate Change conference na gaganapin sa Copenhagen, Denmark sa susunod na linggo.
Nakatakdang luma- bas si PGMA mula sa St. Lukes sa araw ng Linggo.
“The weekend check-up is part of her wellness routine. She is scheduled to check out on Sunday night and resume her re-gular work schedule on Monday,” paliwanag pa ni Remonde. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending


















