^

Bansa

Pinay na tsinap-chop sa Saudi, kinilala

-

MANILA, Philippines - Kilala na ng Riyadh au­thorities ang Pinay na ini­ulat na pinagputul-putol ang katawan ng mag-asa­wang Pinoy na employer nito sa Saudi Arabia.

Sa report na nakara-ting sa Embahada ng Pili­pinas sa Riyadh, ang Pi-nay domestic helper na tsinap-chop ang katawan ay kini­lalang si Sunshine Bagusto Madayag, 21, tu­bong Cota­bato City na iniulat na nawawala noon pang 2007.

Nasa kostudya na ng Saudi Police ang mag-asa­wang Pinoy at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

Sa salaysay ng Filipino couple sa Saudi Police, inamin umano nila na napatay nila ang kanilang kasambahay ng hatawin nila ng baseball bat sa ulo sanhi upang mawalan ng malay at mapatay.

Plinano nilang itapon ang bangkay sa disyerto subalit hindi nila naituloy kaya pinagputul-putol na lamang ang katawan ng biktima at inilagay sa plastic bags saka ibinaon sa ilalim ng konkretong sahig ng kanilang kuwarto. (Ellen Fernando)

vuukle comment

COTA

ELLEN FERNANDO

EMBAHADA

KILALA

PINOY

RIYADH

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

SHY

SUNSHINE BAGUSTO MADAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with