^

Bansa

Local water districts malilibre sa buwis

-

MANILA, Philippines - Inaasahang malilibre na sa pagbabayad ng income tax ang lahat ng mga local water districts sa buong bansa matapos aprubahan sa bicameral conference committee ang panukala kaugnay nito at inaasahang isalang na sa ratipikasyon sa Senado at House of Representatives.

Nagkasundo kama­kailan ang bicameral conference panel na pag-isahin ang House Bill 5210 at Senate Bill 3392 na isinulong upang malibre ang mga local water districts sa income tax. Layunin din ng panukala na matulungan ang nasa 478 local water district sa buong bansa upang mapa­ unlad ang kanilang serbisyo sa may 15 milyong Filipino.

Ang nabanggit na panukala ay inendorso nina Senator Panfilo “Ping” Lacson at South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio.

Sa sandaling maging ganap nang batas ang panukalang ito, lahat ng pagkakautang sa buwis ng mga water utilities simula noong Agosto 13, 1996 ay hindi na sisingilin ng gob­yerno. Pero titiyakin pa rin ng Ways and Means committee ng dalawang Kapulungan ang ope­rasyon ng lahat ng water utilities upang masiguro na mag­bibigay ang mga ito ng maayos na serbisyo sa kanilang mga consumers. (Malou Escudero)

AGOSTO

DARLENE ANTONINO-CUSTODIO

HOUSE BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INAASAHANG

MALOU ESCUDERO

SENATE BILL

SENATOR PANFILO

SOUTH COTABATO REP

WAYS AND MEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with