Lomibao nagbabala sa kambal plaka

MANILA, Philippines - Binalaan ni Land Trans­­portation Office (LTO) Chief Arturo Lomi­bao ang mga franchise holders na ipa­ pakansela sa Land Transportation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) ang prang­kisa nito kung gumagamit ng kambal na plaka.

Ayon kay Lomibao, dapat ng lansagin ang sindikato ng kambal plaka dahil milyong halaga ng pondo ng pamahalaan ang nawawala dahil dito.

Una ng naaresto ng mga elemento ng LTO Special Operations Center ang limang taxi units na kinabibilangan ng Kasai Taxi Toyota Vios (TXP 418); Kasai Taxi Toyota Vios (TXP 637) at KRM Taxi Toyota Corolla na may plate number TXP 637.

Aniya, sisibakin sa tungkulin ang sinumang tauhan nito, lalo na ang mga encoder kung mapa­patunayang nakikipag­sabwatan sa mga smugglers kayat dumarami ang kambal na plaka.

“Hindi po natin haha­yaan na mamayani ang mga bulok na tauhan sa ating administrasyon, pag napatunayan na nagka­sala ang mga ito, agad nating tatanggalin sa tra­baho dahil hindi natin sila kailangan para magser­bisyo sa publiko,” pahayag ni Lomibao. (Angie dela Cruz)

Show comments