Presidential adviser ni GMA nag-resign
MANILA, Philippines - Nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang presidential political adviser si Secretary Gabriel Claudio dahil sa payo ng kanyang mga doctor dahil na rin sa kanyang “congenital escollosis”.
Tinanggap naman ni Pangulong Arroyo ang pagbibitiw ni Sec. Claudio na magiging epektibo sa Disyembre 5 at ang kanyang magiging kapalit pansamantala ay si LWUA chairman Prospero Pichay.
Wika naman ni Press Secretary Cerge Remonde, ang pagbibitiw ni Claudio dahil sa health reason ay nagpapatunay lamang na mali ang pananaw ni dating NEDA chief Ralph Recto na ginagawang hostage ni PGMA ang kanyang Cabinet members para magbitiw sa kanilang puwesto dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending