Meralco project sa NAIA tinatapos
MANILA, Philippines - Inihayag ng Manila Electric Company na kasalukuyan nitong tinatapos ang proyekto na magbibigay ng mas maayos na suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport– Terminal 3 gaya ng pagtatayo ng mga poste sa loob ng Airmen’s Village, Villamor, Pasay City. “Ang proyektong ito ay naglalayong lalong mapagbuti ang serbisyo ng Meralco sa NAIA 3” ani Rustico de Borja, vice-president at hepe ng Sub-transmission services. Hindi lang aniya sa airport pagbubutihin ang kanilang serbisyo kundi maging sa mga kalapit na hotels at condominiums nito.
- Latest
- Trending