^

Bansa

99 kakandidatong pangulo

-

MANILA, Philippines - Mas maraming kandi­dato ang naghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong taon kumpara noong 2004 presidential elections.

Ayon kay Atty. Ferdi­nand Rafanan, director ng Comelec Law Department, simula noong Nobyembre 20 hanggang nitong ha­tinggabi ng Disyembre 1, umaabot sa 99 na aspi­rante sa pagka-pangulo ang naghain ng COC na mas mataas ng 15 kum­para sa 84 lamang na nag­hain ng COC noong 2004.

Umabot naman sa 20 ang naghain ng COC para sa pagka-bise presidente, na mas mababa rin naman kumpara sa 21 noong 2004 elections, habang tumaas din ang bilang ng mga interesadong tu­makbo sa senatorial race, na umabot sa 158, kum­para sa 88 noong 2004.

Nabatid na ang kahuli-hulihang nag-file ng COC ay si Manuel Po, na du­ma­ting sa Comelec ek­sakto alas-12 ng hating­gabi. Tinanggihan noong una ng mga em­ pleyado ng Co­melec na tanggapin ang COC nito dahil magsasara na ang tanggapan ngunit mala­unan ay pinayagan na rin ito.

Kasabay nito, inamin naman ni Rafanan na hindi lahat ng naghain ng COC ay mapapayagang tumak­bo sa 2010 polls.

Batay sa pagtaya ni Rafanan, 25 lamang sa presidentiables, 15 sa VP as­pirants at kalahati la­mang ng mga senatoriables, ang kuwalipikadong makalahok sa halalan.

Sa datos ng Comelec, aabot sa 17, 888 na go­vern­ment seats ang naka­takdang punan sa darating na eleksyon.

Kabilang dito ang tig-isang slot sa pagka-Pa­ngulo at pangalawang Pa­ ngulo, 12 sa Senado, 222 sa Mababang Kapu­lungan ng Kongreso, 80 sa pagka-Gobernador at Bise-Gober­nador, 762 provincial board members; 120 city mayors at vice mayors; 1,514 municipal mayors at vice mayors; 1,346 city councilors; at 12,116 para sa municipal councilors­. (Mer Layson)

AYON

BATAY

COC

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT

MABABANG KAPU

MANUEL PO

MER LAYSON

RAFANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with