^

Bansa

15 babae sa Maguindanao massacre negatibo sa rape - NBI

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi gina­hasa ang 15 babaeng ka­sama sa mga dinukot at pinatay sa Maguindanao noong Nobyembre 23, kabi­lang ang misis ni Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu, na si Genalyn.

Ayon kay Dr. Florencio Arizala, hepe ng NBI-Me­dico Legal, pawang nega­tibo sa semenology tests ang mga ito, base sa isina­gawang awtopsiya ng kanilang medico legal.

Kabilang ang dala­wang kapatid ni Vice Mayor Mangudadatu, isang tiyahin at isang babaeng journalist ang isinailalim sa awtopsiya ng NBI.

“Based on the factual findings, there were no sperms found from their bodies. The sperms died after 72 hours. The victims were killed on Nov. 23 and the bodies were found the following day and some of them were autopsied several hours later. We can note the time factor. This is a thin theory, that the sperms had already become fluid before the examinations were conducted,” paliwanag ni Arizala.

Gayunman, maari pa nilang mas masiguro ang pagsusuri kung isasailalim sa DNA tests na isang mas mabisang paraan.

Nilinaw din ni Arizala na lumobo na ang bangkay ng mga biktima kaya nasira ang mga damit, zipper at ilan ang damit na mga nakabukas.

Ilan umano dito ang nabatid na 24 lamang ang orihinal na beywang subalit sa awtopsiya ay umabot na sa 40 inches dahil lumobo na sa pagkabulok ang katawan.

Ang 20 pang bangkay na sinuri ay pawang na­sawi dahil sa mga tina­mong bala mula sa mata­taas na kalibre ng mga baril. (Ludy Bermudo)

ARIZALA

AYON

BULUAN VICE MAYOR ESMAEL

DR. FLORENCIO ARIZALA

GAYUNMAN

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

VICE MAYOR MANGUDADATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with