^

Bansa

Maguindanao massacre uunahin ni Bro­ther Eddie

-

MANILA, Philippines - Muli na namang su­subukin ni Jesus Is Lord Movement leader Bro­ther Eddie Villa­nueva na masungkit ang pinaka­mataas na pwesto sa pamahalaan matapos na pormal nang mag­hain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections kaha­pon ng umaga.

Kasama ni Villa­nueva na nagtungo sa Comelec ang kanyang running mate na si da­ting Security and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay at ang kanilang senatorial candidates na sina dating Senator Zafrullah Alonto, Kata Inocencio, Atty. Ramoncito Ocampo, Israel Virge­nes, at Alex Tinsay ng GMA-7.

Nangako si Villa­nueva na, sa oras na ma­­halal sa puwesto, susugpuin niya ang katiwalian sa bansa, pabibilisin ang judicial proceedings lalo na sa kaso ng Maguindanao massacre na bumik­tima ng may 57 katao na ki­nabibilangan ng 30 mi­yembro ng media.

Matatandaang si Villanueva ay lumahok rin sa 2004 presidential elections ngunit natalo.

Gayunman, sinabi ni Villanueva na mas higit siyang handa ngayon na maging pangulo ng bansa at kumpiyan­sang mananalo siya sa ha­la­ lan dahil nagising na rin aniya ang “sleeping giant” na handang mag­bigay ng suporta sa kaniya at sa ka­nilang tiket. (Mer Layson at Doris Franche)

ALEX TINSAY

DORIS FRANCHE

EDDIE VILLA

ISRAEL VIRGE

JESUS IS LORD MOVEMENT

KATA INOCENCIO

MER LAYSON

RAMONCITO OCAMPO

SECURITY AND EXCHANGE COMMISSION CHAIRMAN PERFECTO YASAY

SENATOR ZAFRULLAH ALONTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with