^

Bansa

GMA tuloy sa Kongreso

- Nina Rudy Andal at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagdeklara kaha­pon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tatakbo na siyang kon­gresista sa ikalawang distrito ng Pampanga ma­tapos ang matinding ‘panliligaw’ ng kanyang mga cabalen na maging kinatawan siya sa Kon­greso.

Ayon sa Pangulo, ikinunsidera niya ang kahilingan ng kanyang mga cabalen sa 2nd district ng Pampanga na naging batayan niya upang tumakbong kon­gresista sa darating na 2010 elections.

Sinabi naman ng abogado ni Gng. Arroyo na si Atty. Romulo Ma­calintal na hindi naman makakaapekto sa kan­yang trabaho bilang Pangulo ang pagtakbo nitong kongresista at, bagkus, patuloy pa rin ang kanyang pagliling­kod sa taumbayan.

Sinasabi sa isang report na isang kinata­wan ng Pangulo ang magsusumite ng kan­yang certificate of candi­dacy sa lokal na tang­gapan ng Comelec sa Lubao, Pampanga.

Hanggang mama­yang hatinggabi ang pagsasampa ng COC ng mga kandidato sa pambansang halalan.

Nagpahayag naman ng paniniwala sina Se­nator Mar Roxas at Se­nate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na tatakbong kongresista si Pangulong Arroyo para proteksiyonan ang kani­yang sarili sa kung anu-anong kasong po­sibleng isampa sa ka­niya sa sandaling ma­kababa na sa puwesto. “Yung mga may sabit at takot na ma-file-an ng mga kaso. Tumatakbo dahil sa akala nila pro­tek­syon ito,” sabi ni Roxas.

Ayon naman kay Pi­mentel muli na na­mang binali ng Pangulo ang ka­niyang pangako na hindi na kakandidato at siguradong kaka­sang­kapanin nito ng kapang­yarihan upang protekta­han ang kani­lang sarili laban sa opo­sisyon.

AYON

COMELEC

MAR ROXAS

MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

PAMPANGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROMULO MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with