^

Bansa

Developer ng airport binalaan

-

MANILA, Philippines - Isang dating professor ng University of the Philippines ang nagbabala sa constructor ng Caticlan International Airport sa Aklan laban sa pagpatag ng burol sa nasabing lugar para lang mabigyang daan ang pagpa­palawig dito ng isang runway. “Labag sa ating Konsti­tusyon ang pagwasak sa likas na kayamanan. Labag din sa Konstitusyon ang pagpatag sa isang burol para lang pagbigyan ang proyekto ng pamahalaan,” sabi ni Froilan Bacungan, dating dean ng College of Law ng UP.

Nanawagan si Bacungan sa mga residente ng Aklan lalo na sa mga nakatira sa bayan ng Malay na tutulan ang pagpapagawa sa P2.5 bilyong Caticlan Airport kung papatagin ng Caticlan International Airport Development Corp. ang naturang burol. Inihayag ni Bacungan ang kan­­yang opinyon nang magbabala ang isang land form expert ng Department of Environment and Natural Resources na maglalaho ang mga beaches ng Boracay kapag pinatag ang burol. (Butch Quejada)

AKLAN

BACUNGAN

BUTCH QUEJADA

CATICLAN AIRPORT

CATICLAN INTERNATIONAL AIRPORT

CATICLAN INTERNATIONAL AIRPORT DEVELOPMENT CORP

COLLEGE OF LAW

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FROILAN BACUNGAN

LABAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with