Stop killing journalists!
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Philippine Green Republican Party Founding Chairman Dr. Felix Cabrera Cantal sa mga tradisyunal na pulitiko na huwag idamay sa karahasan ang mga mamamahayag.
Ginawa ni Cantal ang pahayag kasabay ng pagsasampa niya ng Certificate of Candidacy para sa kanyang kandidatura sa halalang pampanguluhan sa 2010.
Ayon kay Cantal na matagal na naging opisyal ng United Nations, dapat igalang ang mga miyembro ng Fourth Estate kaya masasabing hindi makatao ang pagpaslang sa mahigit 30 lokal na mamamahayag sa Maguindanao massacre.
“Hindi ko mapapayagan ang anumang karahasan sa aking administrasyon at ipaglalaban ko hanggang sa aking huling hininga na mapangalagaan ang dignidad at kahalagahan ng buhay ng ating mga kababayan,” ani Cantal. “Hindi dapat maulit ang ganitong karahasan laban sa mga mamamahayag, napakahalaga ng buhay para masayang lamang dahil sa karahasang pampulitika.”
Idinagdag ni Cantal na napakahalaga ng serbisyo publiko pero iba ang pakahulugan dito ng mga tradisyunal na pulitiko na nagnanakaw lamang sa kaban ng bayan kapag naluklok na sa puwesto.(Butch Quejada)
- Latest
- Trending