Batang may kanser tutulungan
MANILA, Philippines - Tutulungan ng Himig Ariel Scholars ang mga batang cancer patient upang mapahaba pa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang kauna-unahang major concert sa Disyembre 1.
Ayon kay Quezon City Majority Leader Ariel Inton, ang “Himig ng Kabataan” concert ay isasagawa sa Skydome sa SM North Edsa mula 6-9 ng gabi.
Ang kikitain sa konsyerto ay ilalaan sa mga “K kids” o ang mga batang may kanser na nasa pangangalaga ng “Kapwa Ko, Mahal Ko Foundation”.
Sinabi ni Inton na bukod sa pagtulong sa mga cancer patient, ang panonood sa konsyerto ay isa ring paraan ng pagsuporta sa paglinang sa mga talento ng mga kabataang residente ng Quezon City.
Tinaya sa 300 performers ang magtatanghal sa konsyerto.
- Latest
- Trending