Torres tulong sa kampanya ni Ebdane

MANILA, Philippines - Malaking tulong si dating­ Labor Secretary Ruben Torres sa kampanya ng standard bearer ng Partido ng Manggagawa at Mag­sa­saka na si Hermogenes Eb­dane sa halalang pam­pa­nguluhan sa susunod na taon.

Ito ang palagay ng isang political analyst ng University of the Philippines na si Patrick Flores kaugnay ng pagkakatalaga kay Torres bilang campaign manager ng PMM.

Sinabi pa ni Flores na, sa tulong ni Torres, mapa­paangat ang rating ni Ebdane sa mga survey.

Ayon pa kay Flores, isang malaking hamon sa PMM na hubugin ang social biography ni Ebdane dahil wala itong matinding pagkakikilanlang pulitikal.

“Hindi siya (Ebdane) masyadong kilalang katu­lad ni Villar na galing sa hirap. Kaya naman isang hamon sa kanyang grupo na hubugin ang kanyang social biography dahil hindi nga siya isang pulitiko,” paliwanag ni Flores.

Sabi pa ni Flores, ang pag-eendorso ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay isang malaking tulong upang palakasin ang kam­panya ni Ebdane.

Dahil nakabase sa sektor ng paggawa ang pla­­ta­porma de gobyerno ni Ebdane, kailangang ang kanyang political handler ay ikukunekta ang kan­yang estratehiya sa kam­panya sa pag-unlad ng kala­gayan ng mga mang­gagawa sa bansa. (Butch Quejada)

Show comments