Violent TV shows sasalain

MANILA, Philippines - Nagkasundo ang Department of Education, Kapisanan ng mga Brod­kaster sa Pilipinas, at Philippine Association of National Advertisers na salain ang mga prog­ramang ipinalalabas sa telebisyon upang maging “child friendly” ang mga ito o maging karapat­dapat panoorin ng mga bata.

Pinirmahan kahapon ng National Council for Children’s Television, KBP at PANA ang isang kasunduan para sa nag­kakaisang pagpa­patu­pad sa Republic Act 8370, o ang “Children’s Television Act.”

Layunin ng kasun­duan na magkaroon ng mga dayalogo at pagbuo ng mga panuntunan para sa pagpapatupad ng “Violence Rating Code at Children’s Block Time programming o “C Time”.

Kasama sa dayalo­gong naganap ang mga opisyales ng KBP, PANA, network heads at head writers ng ABS-CBN, GMA-7 at TV-5. (Danilo Garcia)

Show comments