Partido ni Pacman nais malinawan
MANILA, Philippines - Inatasan ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer at Chairman Gilbert Teodoro Jr. ang pangulo ng kanilang partido na si Saranggani Gov. Miguel Dominguez na makipag-ugnayan kay People’s Champ Manny Pacquiao para malinawan ang isyu sa umano’y party affiliation nito.
Sinabi ni Teodoro na dapat malinawan ang isyu sa party affiliation ng lokal na partido ni Pacquiao na People’s Champ Movement na sinasabing may coalition na si Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar.
Ayon naman kay LWUA chairman at Lakas-Kampi-CMD senior official Prospero Pichay, hindi pa naman nagpapaalam si Pacquiao kung aalis ito sa administration party at kung lilipat sa NP.
Sinabi mismo ni Villar kamakailan na mayroon na silang alyansa ni Pacquiao at tatakbo itong kongresista sa ilalim ng NP sa Saranggani province. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending