Korte naglabas ng warrant of arrest vs opisyal, miyembro ng brokers asso.
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court laban sa ilang opisyal at miyembro ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines Inc., matapos na sampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Customs.
Si Agapito Mendez ay sinampahan ng kasong kriminal ni Manila District Collector Atty. Rogel Gatchalian, matapos na akusahan ng una ang huli at ilang kawani ng Customs Accreditation Secretariat na sina Atty. Mary Grace Malabed, Atty. Michael Vito Cruz, Boy Garicia at isang nakilala sa pangalang Percy na nangingikil sa mga brokers at importers para mapadali ang pagkuha ng BoC accreditation.
Malaki ang hinala ni Gatchalian na gumaganti lamang si Mendez dahil sa ginawang paghabol dito ng Run After the Smugglers noong ang una pa ang pinuno nito dahil matindi ang dagok na idinulot nito sa negosyo ng huli.
Una ng kinasuhan ng RATS si Mendez matapos na illegal na ipadala nito ang 573 rolyo ng mga tela sa Bulacan na dapat ay sa Taytay, Rizal dadalhin. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending