MANILA, Philippines - Dahil sa nakatakdang Haj, inianunsyo ng pamahalaang United Arab Emirates na maaari nang magpasailalim sa AH1N1 vaccination ang lahat ng Haj pilgrims kabilang na ang mga debotong Pinoy.
Ang mga health centers na binuksan para sa pagpapabakuna kontra sa nakamamatay at nakahahawang AH1N1 flu virus ay ang Al Mamzar, Al Tawar, Mankhool, Nadd Al Sheba, Hatta at Al Safa primary health clinics.
Tinatawagan ni Dr. Ahmed Ibrahim bin Kalban, CEO ng Primary Health sector ang mga pilgrims na magtutungo at dadagsa sa nabanggit na mga center na magpaturok kung saan ang H1N1 vaccination ay compulsory sa lahat ng mga pilgrims.
Sinabi ni Dr. Kalban na mabibigyan ng health certificate ang bawat pilgrim bilang patunay na naturukan ng AH1N1 vaccine.
Libre ang pagpapakuna kontra flu virus at sa pag-aasiste sa mga pasyente sa mga centers.
Ang Haj ay isinasagawa tuwing Nobyembre. (Ellen Fernando)