^

Bansa

Pinoy pilgrims sa UAE dapat may AH1N1 vaccine

-

MANILA, Philippines - Dahil sa nakatakdang Haj, inianunsyo ng pama­halaang United Arab Emirates na maaari nang mag­pasailalim sa AH1N1 vaccination ang lahat ng Haj pilgrims kabilang na ang mga debotong Pinoy.

Ang mga health centers na binuksan para sa pagpapabakuna kontra sa nakamamatay at nakaha­hawang AH1N1 flu virus ay ang Al Mamzar, Al Tawar, Mankhool, Nadd Al Sheba, Hatta at Al Safa primary health clinics.

Tinatawagan ni Dr. Ahmed Ibrahim bin Kal­ban, CEO ng Primary Health sector ang mga pilgrims na magtutungo at dadagsa sa nabanggit na mga center na magpaturok kung saan ang H1N1 vaccination ay compulsory sa lahat ng mga pilgrims.

Sinabi ni Dr. Kalban na mabibigyan ng health certificate ang bawat pilgrim bilang patunay na naturu­kan ng AH1N1 vaccine.

Libre ang pagpapa­kuna kontra flu virus at sa pag-aasiste sa mga pas­yente sa mga centers.

Ang Haj ay isinasa­gawa tuwing Nobyem­bre. (Ellen Fernando)

AL MAMZAR

AL SAFA

AL TAWAR

ANG HAJ

DR. AHMED IBRAHIM

DR. KALBAN

ELLEN FERNANDO

NADD AL SHEBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with