Pacquiao inspirasyon ng mga Pinoy
MANILA, Philippines - Nakiisa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdiriwang ng sambayanan matapos talunin ni pound-for-pound champion Manny Pacquiao si Puerto Rican boxer Miguel Cotto sa kanilang title bout para sa WBO welterweight belt na ginanap sa MGM arena sa Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bagama’t hindi napanood ni Pangulong Arroyo ang laban ni Pacquiao dahil dumadalo ito sa APEC Summit sa Singapore ay nakikiisa ang Pangulo sa tuwa at pagmamalaki sa muling panalo ni Pacquiao.
”May this serve as inspiration to the entire Filipino nation especially the youth that there is no limit to our capacity for success for as long as we work hard, put our hearts and focus to achieve our goals. Manny trained long and hard, imposed stringent self discipline, persevered, and above all, has always placed himself in the hands of God. I hope we all learn from his example so that, together, we can also move forward as a nation,” wika ng Pangulo sa kanyang statement na binasa ni Sec. Remonde.
Nanalo si Pacman sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) matapos ipahinto ni referee Kenny Bayless ang laban bago matapos ang 12th round dahil hindi na makaganti ng suntok si Cotto.
Dahil sa kanyang panalo ay gumawa ng kasaysayan si Pacquiao sa larangan ng boxing dahil siya ngayon ang nag-iisang boksingero na nanalo ng titulo sa 7 titles sa 7 magkakaibang division.
Ayon naman kay Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Jaro archbishop Angel Lagdameo, walang dudang si Pacquiao ang ipagmamalaki ng Pilipinas at ng mga Filipino.
Sinabi naman ni Basilan Bishop Martin Jumoad, nilagay ni Pacquiao ang Pilipinas sa kasaysayan at maging sa tourism industry. Aniya, makatutulong ito upang umangat ang turismo ng bansa dahil may “face-value” na ang bansa. (May ulat ni Doris Franche)
- Latest
- Trending