MANILA, Philippines - Muling umangat ang mga numero ni dating Philippine National Police Chief Avelino “Sonny” Razon, Jr. sa pagpalo sa 32% base sa pinakahuling survey na isang indikasyon na matinding contender siya sa Manila mayoralty derby sa susunod na taon.
Umani ng may anim na porsiyento ang poll ratings ni Razon sa pinakahuling survey na kinomisyon ng isang grupo ng Manila politicians noong Setyembre na mula 26 porsiyento noong Agosto ay umakyat sa 32 porsiyento. Maituturing na isang malaking pag-angat nairehistro ni Razon sa loob lamang ng isang buwan na napakaikling panahon.
Sa naturang September survey, kumubra si Manila Mayor Alfredo Lim ng 40%. Nanatili sa 16% ang mga numero ni dating mayor at kasalukuyang Environment Secretary Jose Atienza.
Sa isinagawang survey ng kaperehong grupo ng Manila politicians noong Agosto 2009, sumampa na si Razon sa 20% mark sa pag-arangkada ng 10 puntos sa pag-akyat sa 26%. Nanatili si Atienza sa 16% habang si Lim ay 46%.