Balota sa 2010 elections may color coding
MANILA, Philippines - Hindi lamang makaba gong makina ang gagamitin ng Commission on Elections sa susunod na halalan kundi maging ang mga colored ballots upang maiwasan ang over votes na kadalasang nangyayari sa panahon ng eleksyon at bilangan kung saan maraming botante ang nagkakamali sa pagsusulat ng pangalan ng ibinoto nilang kandidato.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, lalagyan ng itim na boarders ang para sa mga Presidential candidates, green sa Senatorials at asul naman sa party-list. Ang tatlong nabanggit na kulay din ang gagamitin para sa iba pang section sa balota gaya ng sa Kongresista, alkalde at iba pa.
Sinabi ni Jimenez na malaking tulong ang paglalagay ng colored borders sa bawat section ng balota para alam ng mga botante kung para sa anong posisyon ang kaniyang minamarkahan.
Kung magkakaroon aniya ng over vote o sosobra sa itinakdang bilang ang iboboto ng mga botante, ay hindi bibilangin ng makina ang buong section kung saan nagkamali ang botante.
Ayon kay Jimenez, walang dagdag na gastos ang paglalagay ng colored borders sa mga balotang gagamitin sa 2010. (Doris Franche)
- Latest
- Trending