Revilla out na sa pagka-bise
MANILA, Philippines - Tuluyan nang tinang gihan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pagkandidatong bise presidente ng makaadministrasyong Lakas-Kampi-CMD sa halalan sa susunod na taon.
Pinasalamatan naman ni Revilla ang Lakas-Kampi sa pagkokonsidera sa kanya bilang runningmate ng standard bearer nitong si Defense Secretary Gilbert Teodoro pero napag desisyunan niyang muling tumakbong senador.
”Matapos ang serye ng konsultasyon, naniniwala ako, ang aking mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa at ang aking pa milya, na mas epektibo kong mapaglingkuran ang ating mga kababayan kung ako’y mananatili bilang senador,” sabi ni Revilla.
Hiniling din ni Revilla sa kanyang mga kasamahan sa partido na tigilan na siya at huwag nang ikonsidera bilang katambal ni Teodoro.
Ayon sa isang impor mante, naging masipag sa panliligaw kay Revilla ang emisaryo ng Malacanang sa katauhan ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio upang pilitin itong tumakbong vice president.
Samantala, inamin naman ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na maging siya ay inalok na tumakbong vice president ng administrasyon.
Pero agad umanong tinanggihan ni Zubiri ang nasabing alok dahil sa ngayon, siya ang tumatayong majo rity leader ng Senado. (Malou Escudero/Rudy Andal)
- Latest
- Trending