Kandidato dapat malaya sa 'dikta'
MANILA, Philippines - Kailangan ang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa ay hindi nasasakal ng kanyang kinaanibang partido pulitikal o sa sinumang malalaking ‘financiers’ sa kanyang kampanya upang maging malaya ito sa ‘dikta’ sa sandaling ito’y maluklok sa naturang posisyon.
Ito ang binigyan diin ni Senator Richard Gordon na siyang chairman ng Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines party, sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel news forum.
Aniya, sa ngayon ang political parties ay hindi na nasusunod ang ideyolohiya ng kanilang partido ngunit sa pamamagitan ng pera na tumatangkilik na iniaalok sa mga pulitikong naghahanap ng pondo sa kampanya.
“We need to have a party that has a position and which would stick to that position instead of relying on the whims of certain individuals. We don’t want parties that are owned by individuals and inherited by their families,” pahayag ni Gordon. Dahil dito, hinamon ni Gordon ang mga pulitikong nagnanais maging pangulo ng bansa na makipag-debate nang sa ganun ay mai-presinta ang kanilang plano para sa bansa at ang kanilang mga nagawa upang maipakita at maintindihan ang plano o plataporma ng bawat isa.
Dapat sa eleksiyon aniya ay maging basehan ang naging nagawa ng mga kandidato sa halip na pera, ninuno o show business. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending
















