Gordon kinalampag sa ZTE
MANILA, Philippines - Iginiit ng negosyanteng si Joey de Venecia III na ilabas na ni Senador Richard Gordon ang committee report hinggil sa ZTE national broadband network deal.
Isinumite ni de Venecia ang formal letter sa tanggapan ni Gordon na humihiling na ilabas na ang naturang report matapos na mangako umano si Gordon noong huling pagdinig na ito’y ipalalabas na.
“That supposed last hearing was held on Sept. 1. It’s already mid-November,” ani de Venecia.
Malaki ang pangamba ng batang de Venecia na maibasura na lang ang naturang isyu. Una ng inamin ni de Venecia sa mga naging pagdinig dito na inalok siya ng P500M ‘back off’ para lang paya gan ang kontrata nito.
“I think you will agree with me that the ZTE-NBN deal should not be treated as a political issue. Corruption in the highest places must not be allowed to pass. I am therefore appealing to you to release the Blue Ribbon report on the scandal at the soonest possible time,” ani de Venecia. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending
















