Atienza suportado ng CBCP
MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza sa oras na tumakbo ito sa nalalapit na 2010 national election.
Ayon kay Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, vice chairman ng CBCP-Espiscopal Commission on Family and Life na matagal na ilang ini-endorso si Atienza dahil sa paninindigan nito na laging pabor sa buhay at kalikasan. Nilinaw nito na kung pananatiliin ni Atienza ang pakikipaglaban para sa buhay at kalikasan ay tiyak na makukuha nito ang suporta ng simbahan, bukod pa na naging mabuti itong kaibigan.
PInayuhan din ni Arguelles ang publiko na bumoto hindi dahil sa sikat ang isang kandidato kundi dahil sa isinusulong nitong programa na alinsunod sa panuntunan ng simbahan. Maituturing din na kuwalipikado si Atienza na tumakbo sa pagkapangulo.
“We will support pro-life programs. Let us vote for programs. Kung ano ang dinadalang programa ng isang kandidato batay sa turo ng simbahan,” ani pa ni Arguelles. (Mer Layson)
- Latest
- Trending