Ondoy at Pepeng, inalis na sa listahan ng mga bagyo

MANILA, Philippines - Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga pangalan nina On­doy at Pepeng sa talaan ng mga bagyo sa taong 2014 dahil sa matinding epektong idi­nulot nito sa mga tao at kapaligiran.

Ayon kay PAGASA Director Prisco Nilo, nag­hahanap na sila ng pam­palit na pangalan sa On­doy at Pepeng.

Una nang natanggal sa talaan ang Bagyong Milen­yo at Reming dahil din sa malaking marka ng sakuna na iniwan nito sa bansa.

Taong 2009 nabago ang mga pangalan ng bag­ yo sa bansa at ma­karaan ang limang taon, baba­guhin ulit ito ng PAGASA.

“Bastat ang isang bagyo ay may malaking epekto sa bansa, pina­palitan na natin,” sabi ni Nilo. (Angie dela Cruz)

Show comments