Intramuros bldg. kinuwestiyon

MANILA, Philippines - Nabunyag ang umano’y iregularidad sa pag-award ng Bureau of Treasury para sa rekonstruksyon at restorasyon ng P1.188 bilyong Ayuntamiento Building sa Intramuros, Maynila matapos na hindi paboran ang lowest bidder.

Base sa nakuhang dokumento, limang contractors ang nag-bid para sa nasabing proyekto noong Hulyo,   

Tanging ang Hilmarcs Construction Corp. ang nakatugon sa eligibility documents habang ang apat na ibang contractors na A.M Oreta 5 Co., Inc; Attn Young Builders Corp; DDT Konstract , Inc at DMCI ay pinayagan na makilahok sa bidding kahit na hindi kumpleto ang kanilang pre-qualified documents.

Sa kabila ng pagsusumite ng Hilmarcs sa lahat ng dokumento para mapayagan ang Bids and Awards Committee at Technical Working Group para ma-evaluate ang bid, hindi naman nailagay ang mga nasabing estimates sa form na itinatalaga ng BAC dahil sinunod nila ang apli­ kasyon at extensyon ng apat na nabanggit na contractors sa pagpayag sa “substantial compliance” bilang acceptable standard sa pagsusumite at evaluation ng bids.

Sinabi ng mga contractors na tumangging magpa­bang­git ng pangalan na hindi dapat ito pinayagan ng Mala­cañang. Dahil dito, magpapalabas ng kautusan ang Pa­lasyo para sa rebidding ng proyekto at hindi payagan ang pagpabor sa natalong contractor para isagawa ang im­plementasyon ng proyekto dahil hindi umano ito makaka­buti sa pamahalaan. (Gemma Garcia)

Show comments