Biktima sa Dagupan inayudahan

MANILA, Philippines - Tumanggap ng bene­pisyo mula sa Universal Transport Accident Solutions ang lahat ng mga kaanak at biktima ng malagim na aksidente na kinasangkutan ng Dagu­pan Bus (AVF 765) noong Oktubre 28 sa Barangay Tagaran, Cauayan, Isa­bela.

Sa programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na Personal Passenger Accident Insurance, pina­gunahan ni LTFRB Regional Director 2 Flo­rescita Cuesta at ni Ce­lestino Villa­ nueva ng Dagupan Bus Inc. ang pagbibigay ng death benefits sa mga kaanak ng mga nasawi na sina Wilson Blan­ che Jr., 8; Thel­ma Lo­zano 25; Freddie Agus­tin, 32; Marlo Salvador, 32; Waldimar Gumi­ran, 37; Reymundo Ca­sa­gan, 47; at Rex Nieves, 45.

Hospitalization benefits naman ang bigay ng UNITRANS sa mga ma­lubhang nasugatan sa aksidente at sa mga ka­anak ng mga nasawi na ngayon ay inoobserba­han sa Dr. Esther Garcia General Hospital sa Cauayan, Isabela. (Doris Franche)

Show comments