Biktima sa Dagupan inayudahan
MANILA, Philippines - Tumanggap ng benepisyo mula sa Universal Transport Accident Solutions ang lahat ng mga kaanak at biktima ng malagim na aksidente na kinasangkutan ng Dagupan Bus (AVF 765) noong Oktubre 28 sa Barangay Tagaran, Cauayan, Isabela.
Sa programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na Personal Passenger Accident Insurance, pinagunahan ni LTFRB Regional Director 2 Florescita Cuesta at ni Celestino Villa nueva ng Dagupan Bus Inc. ang pagbibigay ng death benefits sa mga kaanak ng mga nasawi na sina Wilson Blan che Jr., 8; Thelma Lozano 25; Freddie Agustin, 32; Marlo Salvador, 32; Waldimar Gumiran, 37; Reymundo Casagan, 47; at Rex Nieves, 45.
Hospitalization benefits naman ang bigay ng UNITRANS sa mga malubhang nasugatan sa aksidente at sa mga kaanak ng mga nasawi na ngayon ay inoobserbahan sa Dr. Esther Garcia General Hospital sa Cauayan, Isabela. (Doris Franche)
- Latest
- Trending