Alvin Flores, 3 pa todas!

MANILA, Philippines - Nagwakas ang mata­gal nang paghahanap ng tropa ng Philippine National Police (PNP) sa kila­bot na lider ng isang or­ganisadong gang na si Alvin Flores na sangkot sa serye ng robbery sa Metro Manila mata­pos na ma­patay ito sa isang eng­kwentro sa Cebu City.

Ayon kay PNP chief Je­sus Verzosa, si Flores, o al­yas Bunso at Daniel Flores, ang pinuno ng notorious Alvin Flores gang, ay na­sawi sa pakikipag­barilan sa pagitan ng pi­nagsanib na puwersa ng PNP at Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa may Tripina Cene­ca compound sa Bgy. Com­postela ganap na alas-8 kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni NBI Director Nestor M. Mantaring, bi­nun­tutan ang isa sa kanila hanggang sa magtungo sa hide-out ni Flores sa Do­dong’s Resort, Bgy. Es­taca, Compostela, Cebu, dakong alas-5 ng hapon noong Huwebes ((Okt. 29), na matapos ang matinding surveillance ay sinalakay at nagkaroon ng palitan ng putok.

Kabilang din sa nasawi ang kanang-kamay ni Alvin na si Richie Hijapon, Marc Salamanca at Roger San­chez.

Nadakip din ang isa pang miyembro ng gang na kinilalang si Rene Santillan Batiensela.

Nakumpiska sa pi­nang­­yarihan ng encounter ang isang M16 rifle, isang KG-9 submachine pistol, dala­wang .45 pistols at assorted na bala at isang getaway vehicle na silver Toyota Revo (XGE-164).

Ang NBI Task Force Against Armed Robbery Group na pinamumunuan ni Atty. Roel Bolivar, ang tumugis sa nasabing robbery group mula sa An­tipolo hanggang Bula­can, Pam­panga, na nag­ta­pos sa Mandaue City, Cebu nang una sa isang mi­yem­bro nila ang naispatan.

Ayon pa sa ulat, mata­pos makumpirma ng tropa ng NBI at PNP ang kinaro­roonan ng grupo ni Flores ay agad na nagsagawa ang mga ito ng operasyon bitbit ang warrant of arrest sa kasong robbery.

Habang patungo uma­no ang tropa sa lugar ng mga suspek ay nakatunog ang mga ito sanhi umano para magkaroon ng eng­kwentro at masawi ang naturang lider.

Anim pa sa miyembro ng grupo ay nakatakas.

Nasamsam din ng aw­toridad ang ilang Rolex watches sa cottage ng nasabing grupo.        

Ang Alvin Flores ang isinasangkot sa pangho­holdap sa Rolex Store sa Greenbelt 5 mall sa Ma­ kati city at iba pang hol­dapan kabilang ang pan­loloob sa apat na bodega sa Pasig City at tangkang robbery sa Pepsi Cola, Maynila.

Ang naturang grupo din ang nasa likod umano ng serye ng holdapan sa Wal­termart sa Muñoz, Quezon City; Union Bank sa Makati City; Union Bank sa Ala­bang, Muntinlupa City; RC Cola, Valenzuela City at Semicon, Pasig City.

Matatandaang, ipinag-utos ni Versoza ang nationwide manhunt laban sa gru­po ni Flores na may patong sa ulo na P500,000 para sa agarang pagkaka­dakip dito matapos maka­ta­kas ang mga ito sa hinol­dap na mall.

Show comments