5 Pinoy nang-'Ativan' sa China

MANILA, Philippines - Limang Pinoy na hinihi­na­lang miyembro ng “Ativan gang” ang naha­harap sa ilang taong pag­kakakulong dahil sa pam­bibiktima ng ilang katao sa Shanghai, China. 

Isinalang ang limang Pinoy na nagkaka-edad 26-30 sa Shanghai court matapos na sampahan ng kaso dahil sa pagdo-droga at pagnanakaw sa kani­lang mga nabiktima. Sila ay nag-plead guilty sa kanilang kaso at humingi ng tawad sa Chinese go­vernment at sa kanilang mga nabiktima.

Gaya ng ginagawa ng mga Ativan gang sa Pili­pinas, pinaiinom at pina­ka­kain muna ang kanilang mga biktimang Tsino na ka­ nilang kinakaibigan sa isang nightspot sa Shanghai.

Sa salaysay ng mga biktima, nakadamit pam­ba­bae ang mga Pinoy at kapag sumama na sa taxi o kaya sa hotel ay ina­alukan sila ng tsokolate at ibang pagkain na may ha­long droga na pampatulog saka kinukuha ang maha­halagang gamit ng mga bik­tima tulad ng cellphone, credit cards, at mamama­haling Rolex watch. 

Umaabot sa 340,000 yuan o $49,780 ang nata­ngay ng nasabing gang sa huli nilang biktima.

Huling nakapam­bik­tima ang limang suspek noong Pebrero, 2009 at naaresto sila noong Marso. (Ellen Fernando)

Show comments