^

Bansa

Kurakot kalaboso kay Erap

-

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni dating Presidente Joseph Estrada na mabubulok sa bilangguan ang mga tiwa­ling opisyal ng pamaha­laan kapag siya’y nanalong pangulo ng bansa sa ika­lawang pagkakataon sa 2010.

“Nobody is above the law,” diin pa ni Erap na es­pesyal na panauhin ng National Press Club (NPC) kahapon sa ‘No Holds Barred’ news forum bilang bahagi ng pagdiriwang ng samahan sa ika-57 taong anibersaryo nito.

Sinabi ni Estrada na titiyakin naman niyang masusunod ang proseso ng batas at hindi siya ga­gawa ng ‘special court’ para lang litisin ang mga tiwali at magnanakaw na opisyal ng administras­yong Arroyo, katulad ng ginawa sa kanya ng gob­yerno matapos siyang pa­tal­sikin sa puwesto noong 2001.

Bagaman anim na taon ang kanyang termino, sapilitang inalis si Erap bilang pangulo noong Enero 2001 at ikinulong sa kasong plunder.

Isang ‘special court’ ang ginawa ng gobyer­nong Arroyo na naghatol kay Erap ng ‘guilty’ noong Setyembre 2007 subalit ginawaran naman siya ng ‘complete pardon’ ni Pang. Arroyo makalipas ang isang buwan.

Diin ni Erap, kasamang naibalik sa pardon ang kan­yang lahat ng karapa­tan kabilang na rito ang muling mahalal sa anu­mang po­ sisyon sa gob­yerno.

Aniya pa, sapul ng siya ay makulong, lalong tu­mindi ang katiwalian at nakawan sa loob ng gob­yerno na naglagay sa bansa sa kahihiyan bilang ‘most corrupt country in Asia’ at ‘second­ most corrupt country in the world’ batay sa ulat ng Transparency International at World Bank.

Ilan sa mababantot na anomalya sa gobyernong Arroyo na sisilipin ni Erap ay ang $450 milyon IMPSA deal, $329 milyon, NBN-ZTE scandal, ang multi-bilyong kontrata sa Maca­pagal Boulevard, ang P728 milyon fertilizer scam, patuloy na pama­ma­­­yagpag ng jueteng at ang mga anomalya sa loob ng Government Service Insurance System.

Aniya, itutuloy rin niya ang legalisasyon ng jue­teng sa kabila ng banta ng mga Katolikong Obispo na hindi siya susuportahan sakaling ipilit niya ang bagay na ito.

Aniya, kung natuloy ang kanyang balak na gawing ligal ang jueteng noon, kikita ang gobyerno dito ng may P5 bilyon bawat taon na magagamit sana para tustusan ang panganga­ ilagan ng mga mahihirap sa edukasyon at ospital. (Butch Quejada)

ANIYA

BUTCH QUEJADA

ERAP

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

KATOLIKONG OBISPO

LSQUO

NATIONAL PRESS CLUB

NO HOLDS BARRED

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with