^

Bansa

Mag-ingat sa rolling, floating, flying coffins

-

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ni Sena­dor Bong Revilla ang pub­liko na magbibiyahe nga­yong Undas laban sa mga tinatawag na “rolling, floating at flying coffins”.

Ayon kay Revilla, da­pat tiyakin ng mga ahen­siya ng gobyerno ang ka­ligtasan ng mga pam­pub­likong sasakyan na mag­hahatid sa mga tao na bibiyahe para umuwi sa kani-kanilang mga pro­binsiya para gunitain ng Undas, dahil nagiging mapagsamantala ang ilang mga transport companies dahil sa dami ng mga pasahero.

“Kung kinakailangan ay isusulong ko ang kan­selasyon ng prangkisa ng mga awtorisadong public transportation com­panies na mapapatunayang lu­ma­­bag sa mga alintun­tunin. Hindi natin kaila­ngan ng mga rolling coffins, floa­ting coffins, at flying coffins nga­yong Undas,” ani Re­villa.

Kaya naman inatasan ni Revilla ang Philippine National Police at Department of Transportation and Communication na ti­yakin ang seguridad at ka­ligtasan ng mga biya­hero at paigtingin ang kam­­­panya laban sa mga colorum buses.

Binalaan din ni Revilla ang mga publiko na hu­wag maging matigas ang ulo at di dapat sumakay sa mga barko o anumang sasakyan kung ito ay over­loaded para makai­was sa aksidente.(Malou Escu­dero)

vuukle comment

AYON

BINALAAN

BONG REVILLA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

MALOU ESCU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REVILLA

SHY

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with