Climate Change Law pirmado na
MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act 9729 o ang Climate Change Law sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.
Sa paglagda ng Pangulo sa Climate Change Law ay maitatayo ang Climate Change Commission kung saan ang chief executive ang magsisilbing chairperson nito at may 3 commissioners na ang trabaho ay bilang independent po licy-making body na katumbas ng isang national government agency.
Ang komisyon ay naatasang bubuo ng mga programa at magrekomenda ng mga legislation sa pagharap sa climate change, adaptation at mitigation sa anumang pin sala dulot ng mga kalamidad.
Sinabi naman ni Executive Sec. Eduardo Ermita, dahil sa batas, mapapalawak at mapapaigting ang information dissemination sa mga bagay na dapat gawin at hindi gawin sa kalikasan.
Ayon kay Sec. Ermita, magbibigay din ito ng technical at logistic assistance sa mga local government units para sa disaster risk reduction. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending