^

Bansa

'Ramil' humina

-

MANILA, Philippines - Mas humina pa ang bagyong Ramil kahapon at malamang sa Lunes na ito mag-landfall. 

Ayon sa PAGASA, si Ramil ay namataan sa layong 300 kilometro sila­ngan ng Aparri, Cagayan at bumaba na lamang sa 160 kilometro bawat oras ang hangin nito malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 195 kilometro bawat oras.

“Nagbago ang kan­yang speed of movement. Kahapon around 15 kph, subalit bumagal pa kani­nang madaling araw. Halos 3 kph lang... so medyo matatagalan pa bago tumama ng kalupaan,“ pahayag ni PAGASA director Prisco Nilo.

Nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Batanes Group, Cagayan,Calayan Island,Babuyan Islands at Apayao. Signal no. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Isa­ bela, Abra, Mt. Province, Ifugao, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at signal no. 1 naman sa Panga­sinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon at Polillo Islands­. (Angie dela Cruz)

BABUYAN ISLANDS

BATANES GROUP

CALAYAN ISLAND

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

MT. PROVINCE

NORTHERN QUEZON

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

POLILLO ISLANDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with