Artista bawal na sa pelikula, TV
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Commission on Election na pagbawalan ang mga artistang politiko na lumabas sa pelikula o sa telebisyon sa susunod na buwan lalo pa at nakapaghain na ng kanilang kandidatura para sa 2010 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kung ang mga personalidad mula sa Radio, TV at print media ay naghahain ng leave of absence sa kanilang trabaho kung sila ay tatakbo sa halalan at mangangampanya, dapat ding ipatupad ito sa mga artista na pumapasok sa pulitika, dahil malaking bentahe aniya para sa mga actor-politician ang paglabas sa mga pelikula sa panahon ng kampanya.
Pinaalalahanan din ni Jimenez ang mga aktor-politiko na humingi muna ng payo mula sa Comelec para hindi magkaroon ng problema sa kanilang kandidatura tulad ng posibleng diskwalipikasyon.
Nabatid na sina dating pangulong Joseph Estrada at Senador Ra mon “Bong” Revilla Jr., na matunog na tatakbo sa 2010 polls, ay kap wa mayroong pelikula na nakatakdang ipalabas bago matapos ang taon, habang ang paghahain ng CoC ay isasagawa sa November 20-30 at ang campaign period ay sisimulan 90-araw bago ang May 10 election.
Ipinaliwanag na rin naman aniya noon ng Comelec Law Department kay Sen. Revilla na ang pagpapalabas ng pelikula nitong “Panday” bago ang campaign period ay maaring maging premature campaigning. (Mer Layson)
- Latest
- Trending