P1 taas pasahe sa jeep nakaamba

MANILA, Philippines - Posibleng muling tu­maas ng P1.00 ang pa­ma­sahe sa mga pampa­saherong jeep matapos na ito’y hilingin ng Alliance of Concerned Transport Organization sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Efren de Luna, national president ng ACTO, nasa panahon ang kanilang pagkilos bunsod ng pagtataas ng presyo ng krudo ng tat­long malalaking kom­panya ng langis at mata­gal na rin ang kahilingang ito sa LTFRB.

Sa oras na aksiyunan ng LTRB ang naturang petisyon ay papalo sa P8.00 ang minimum na pasahe sa mga pampa­saherong jeep at mala­king tulong aniya ito sa mga tsuper para maka­ahon sa problema sa pera, lalo pa at binayo ng kalamidad ang karamihan sa mga ito.

Una ng nagtaas ng presyo ng kanilang pro­dukto ang Pilipinas Shell kung saan ang diesel ay P2 kada litro, P1.25 sa gasoline at P1.20 kada litro sa kerosene. Sumu­nod ang Petron Corp., Total Gas Corp. at Chevron Philippines.

Ikinatuwiran ng mga nasabing kompanya na sumusunod lamang sila sa galaw ng halaga ng krudo sa internasyunal na merkado. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)

Show comments