Break para sa rehistro hiniling

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Labor Secretary Marianito Roque sa mga pribadong kumpanya na payagan ang kanilang mga empleyado na makalabas pansaman­tala sa oras ng trabaho para maka­pagparehistro sa Commission on Elections.

Ginawa ni Roque ang panawagan habang nala­lapit ang Oktubre 31 na huling araw ng pagpa­parehistro ng mga boboto sa halalan sa susunod na taon.

Ayon sa kalihim, dapat payagan ng mga employer ang kanilang mga emple­yado na makapag­pare­histro kahit pa oras ng kanilang trabaho.

Base anya sa kanilang ipinalabas na advisory ka­makailan, inaatasan nila ang lahat ng mga employers na sumunod sa “Continuing Voter’s Registration Act of 1996.”

Show comments