Napocor at Pagasa nagturuan
MANILA, Philippines - Tila kapwa naghugas kamay ang mga opisyal ng National Power Corporation at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration kung sino ang dapat magbigay ng impor masyon sa lokal goverment units hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa dam.
Sa ginanap na pagdinig sa Senate Committee on Climate Change, sinabi ni Froilan Tampimco, presidente ng Napocor na hindi dapat sisihin ang kanyang mg tauhan dahil sinusunod lang ng mga ito ang protocol sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam, kung saan kahit pa man umabot sa kritikal level na 280 meters sea level ay hindi pa rin mandato na maglabas ng tubig. Hanggang 500 cubic meter/second lang aniya ang saklaw ng kanyang kapangyarihan sa pagpapalabas ng tubig. At kung sosobra dito ay dapat na magmula na sa Pagasa ang kautusan.
Lumalabas na ang Pagasa aniya ang ma ituturing na lead agency base na rin sa sinusunod nilang dam protol na agad na kinontra ni Pag-asa Director Prisco Nilo dahil tanging pre-release operation lang ang ginagawa nila, bukod sa pagtataya ng panahon at hindi ang magpadala ng warning sa mga LGUs.
Gayunman, sinabi ni Pangasinan Gov. Espino na balewala din ang pagpapaalam sa publiko dahil hindi rin alam ng mga ito kung gaano kadami at kalakas ang tubig na palalabasin ng mga dam operators .
“Sinabi nyo lang magre-release kayo ng tubig. Hindi nyo sinabi na kasing laki pala ng bahay yong tubig na tatabon sa mga bahay namin,” sabi ni Espino.
Ayon naman kay Alexander Palada, division chief ng NPC Flood Forecasting and Warning System for Dam Operations na hindi nila inaasahan ang pagbalik ng bagyong Pepeng kaya hindi agad nagpakawala ng tubig ang San Roque dam at uma bot na sa critical level ang tubig nito kaya nagpalabas ng malaking volume ng tubig.
Binigyan ng komite ng hanggang Nobyembre 30 ang bawat ahensiya ng gobyerno na baguhin ang nasabing protocol upang hindi na maulit ang delubyong inabot ng Metro Manila at Pangasinan. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending