^

Bansa

Paglilinis sa Ilog Pasig patapos na

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza na matatapos ang dredging operation sa Ilog Pasig sa pagtatapos ng 2010.

Iniulat ni Atienza na ang dredging sa Pasig river ay nagsimula may dala­wang buwan na ang nakalilipas bago nanalasa ang bag­ yong “Ondoy” na nagpalu­bog sa bahagi ng Maynila at karatig na mga lungsod. Kung hindi anya dahil sa dredging operation, maa­aring mas matindi pa ang naranasang kalamidad. 

Tinatayang umabot sa 468,000 metro kubiko ng kontaminadong material ang na-dredge na mula sa bunganga ng Ilog Pasig at Manila Bay.

Sa kabila nito, inatasan niya ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na pakilusin na ang dalawa pang dredging equipment upang hindi maantala ang proyekto laban sa hindi inaasahang mga kalamidad.  

Sinabi niya na maha­laga ang pag-dredge sa 20-kilo­ metrong ilog upang maiwa­san ang mas malala pang pagbaha sa Kalak­hang May­nila, lalo na ang Laguna de Bay na ang Ilog Pasig ang ta­nging daluyan palabas ng Manila Bay. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ATIENZA

CRUZ

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY LITO ATIENZA

ILOG PASIG

INIULAT

KALAK

MANILA BAY

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with