Class suit vs dam operators isasampa
MANILA, Philippines - Bukod sa pagpapatawag sa lahat ng dam operators sa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gagawing imbestigasyon ng Senado bukas, balak din ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na magsampa ng class suit upang panagutin ang mga may-ari ng dam sa naganap na pagbaha partikular sa Northern Luzon.
Kabilang sa mga ipapatawag na dam operators ang nasa San Roque, Binga, Pantabangan at Angat.
Partikular aniyang ipatatawag ang operator ng San Roque dam na ayon sa mga local na opisyal ay nagpakawala ng humigit kumulang na 5,100 cubic meters/second ng tubig.
“Ang ibig sabihin nito 5,100,000 litro ang pinakawalan ng San Roque kada segundo, 5.1 million liters of water per second, humigit kumulang kada minuto ito ay 300 million liters, humigit kumulang kada oras bilyong litro ito, nagpakawala sila ng walo hanggang 10 bilyong litro,” sabi ni Escudero. Hindi aniya dapat palampasin ang ginawa ng mga dam operators lalo pa’t may mga ari-arian at buhay na nawala sa nasabing pangyayari. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending